AFP at PCG, matagumpay na nakapagsagawa ng RORE sa BRP Sierra Madre

Matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) ang rotation and resupply (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, nakalapit ang M/V Lapu-Lapu sa BRP Sierra Madre at naihatid ang mga supplies para sa mga sundalo.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Patuloy naman tinitiyak ng AFP ang kanilang suporta sa mga sundalong naka-destino hindi lang sa BRP Sierra Madre kundi pati na rin sa iba pang islang ino-okupa ng bansa sa WPS.

Na-monitor din ang ilang barko ng China sa kasagsagan ng misyon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, walong Chinese vessels ang na-monitor sa lugar.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Hindi naman daw ito nagdulot ng banta sa mga barko ng bansa at naging matagumpay ang misyon sa BRP Sierra Madre.

Maalalang sa pinakahuling monitoring ng Philippine Navy, halos palibutan ng mga barko ng China ang Ayungin.

Sa kabila nito, nanindigan ang AFP sa pagpapanatili ng kanilang presensiya sa Ayungin.