Ex-Gov. Pryde Henry Teves – nanindigang ‘di nagtatago sa batas

Nanindigan si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves na hindi naman siya nagtatago sa batas.

Sa isang panayam, idiniin ng dating gobernador na sumusunod naman sila sa batas, at hindi siya nagtatago sa ano mang lungga.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kung maaalala kasi – kamakalawa nang ma-aresto umano siya ng PNP-CIDG, pero kalaunan ay nakapagpiyansa rin.

Sabi ni Teves – dismayado raw siyang tinuturing siya bilang ‘Most Wanted Person’, gayong nakikita naman siya ng publiko.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa huli, muling pinabulaanan ni Teves na sangkot sa siya sa ano mang uri ng terorismo.

Mababatid na na-designate siya bilang terorista, kabilang ang iba pang personalidad dahil sa ‘di umano’y mga karahasan sa kanilang lalawigan.