Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Office of the Executive Secretary na i-release na ang dagdag pondo para sa mga atletang lalahok sa Paris Olympics.
Layon nitong masuportahan ang preparation at participation ng mga Filipino Athletes sa naturang palakasan.
Ang additional support ay bukod pa sa 52 million pesos na pondong inilaan sa paghahanda, pagsasanay, at paglahok ng mga atletang Pilipino sa 2024 Paris Olympics.
Ngayong 2024, naglaan ang pamahalaan ng mahigit 1.1 billion pesos sa sports sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission o PSC, upang pondohan ang pangarap at kinabukasan ng mga atletang Pilipino.
Sa kanyang talumpati sa send-off ceremony kagabi, hinikayat ng Pangulo ang lahat ng mga Pilipino na magkaisa at suportahan ang mga atleta, dahil hindi lang anya medalya ang habol natin kundi ang pag gawa ng kasaysayan at pagbibigay ng dangal sa bansa gayundin ang inspirasyon para sa lahat.