Sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat ding imbitahan si dating Transportation Secretary Arthur Tugade sa nalalapit na imbestigasyon ng Senado sa aberya sa air traffic management system ng bansa.
Ang mungkahi ni Estrada na imbitahan si Tugade ay matapos ang isang ulat na nai-divert umano ng dating transport chief ang P13 billion pesos na inilaan sana para sa isang backup air traffic management system sa “cosmetic projects” tulad ng paglalagay ng mga electronic billboards at pagkonkreto ng mga parking space sa ang Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ng mambabatas na itinanggi ni Tugade ang paggamit ng pondo para gawing moderno ang Communications, Navigation and Surveillance Systems sa Air Traffic Management system o mag-install ng backup para dito upang mabigyan ng facelift ang mga bahagi ng NAIA.
Matatandaang, nangako noong Lunes si Senate transportation committee chairperson Sen. Grace Poe na magsasagawa ng inquiry ang kanyang panel sa nangyaring technical glitch sa NAIA.//CA