Ex-convict, balik kulungan matapos mahuling nagnanakaw

Arestado ang isang ex-convict na si Limuel Bellica Baylon, 35 anyos matapos na maaktuhang nagnanakaw sa isang Pension House bandang alas-sais ng umaga kanina (February 15) sa lungsod ng Puerto Princesa.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Ayon sa PNP, nakita umano ng mga empleyado ng Pension House ang pagpasok ni Limuel kasama ang dalawang iba pa sa stock room sa likod ng bahay.

Dahil dito agad nilang hinabol ang mga ito at nasakote si Limuel habang ang dalawang kasama nito ay kumaripas ng takbo.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu

Samantala, hawak na ng PNP ang suspek na mahaharap sa kasong robbery.