ex-COMELEC Commissioner Garcia: ‘No Regrets’ sa poll body stint

‘No regrets’

Ito ang naging pahayag ni Atty. George Erwin Garcia sa ilang buwan nitong panunungkulan bilang Commissioner ng Commission on Elections.

Matatandaang kasing isa si Garcia sa mga hindi na-kumpirma ng Commission on Appointments dahil sa kakulangan ng quorum.

Aniya, aminado siyang nalungkot siya dahil hindi ito nakalusot sa CA, ngunit nakahinga na rin ito nang malalim.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Tanggap na raw niya ang kapalaran nito dahil naiintindihan niya ang proseso para sa mga appointees.

‘Di umano ito nagsisisi sa halos tatlong buwan nito sa COMELEC dahil marami siyang natutunan sa proseso ng eleksyon at naging saksi siya sa isa mga pinaka-historic na national elections sa bansa.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, bukas umano siya sa sakali mang ma-appoint muli sa poll body ng susunod na administrasyon.

Maliban kay Garcia, ‘di rin nakalusot sa CA sina COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan, COMELEC Commissioner Aimee Neri, CSC Chairperson Karlo Nograles, aT COA Chairperson Rizalina Justol.
#