Hindi nagsauli ng motorsiklo, huli sa kasong carnapping

Arestado ang Rank no.  3 Most Wanted sa MIMAROPA sa kasong carnapping na si DIOVENALDO FACTORAN PITOS alyas “MAGE FACTORAN/KULOT” 38 anyos, residente ng Purok Sto. Niño Barangay Apurawan, Aborlan Palawan.

Naaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng PHPT Palawan at CIDG Palawan Provincial Field Unit sa isinagawang Manhunt Charlie at Oplan Pagtugis noong ika-24 ng Mayo sa Barangay Apurawan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang suspek ay may arrest warrant na kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Napag-alaman ng Brigada PNP- HPG na ang suspek ay nagrenta ng motorsiklo (Yamaha MIO 125) sa kanyang amo para maka-biyahe sa Puerto pero hindi niya ito ibinalik kaya siya inireklamo taong 2020.

Sa ngayon, humihemas na ng rehas  sa Provincial Jail ang suspek.