Walong kabataan, bistado sa pagnanakaw ng sako-sakong kopras

Bistado ang ginawang pagnanakaw ng walong ( 8 ) kabataan ng sako- sakong copras sa isang bodega sa Poblacion District 2, Brooke’s Point, Palawan.

Ang kabataan ay 12-16 anyos.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kwento ni Jun na bantay sa bodega, alas-dos ng madaling araw nitong Miyerkules, June 1, 2022 nang matuklasan niya ang mga nawawalang sampung sako ng kopras na nakalagay sa truck.

Agad ini-report sa barangay ang insidente at napag-alaman na ibinenta ng kabataan ang ninakaw na mga kopras sa iba.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, pinabayad ng may-ari ng kopras ang mga magulang ng kabataan sa mga ninakaw na produkto.