Bumuhos ang paghanga ng mga netizens sa tapang ng dating Miss Ukraine na si Anastasiia Lenna, na walang takot na umanib sa kampo ng Ukranian military forces upang ipagtanggol ang kanilang bansa, mula sa patuloy na pananakop ng Russian.

Mababatid na si Anastasiia ang official candidate ng Ukraine sa 3rd Miss Grand International na ginanap noong October 31, 2015 sa Bangkok, Thailand.
Kaugnay nito, kabilang ang noo’y 24-anyos na Ukrainian beauty sa Top 20 candidates ng Miss Grand International 2015.
Nakasabayan rin nito Philippine delegate na si Parul Shah sa naturang beauty contest.
Samantala, noong 2016 naman, muling sumali si Lenna sa isang international beauty pageant, ang 8th Miss Supranational na idinaos sa Poland noong December 2, 2016, bagama’t hindi rin ito pinalad.