Evaluation para sa SK GEMS sa So.Cot, nagsimula na

KORONADAL CITY – NAGSIMULA na ang evaluation sa mga Sangguniang Kabataan o SK council sa iba’t ibang mga barangay sa South Cotabato para sa Sangguniang Kabataan Government Exemplars for Meaningful Service o SK GEMS 2024.

Ang evaluation ay isinasagawa ng Department of the Interior and Local Government o DILG at Provincial Youth Development Office o PYDO.

Layon nito na suriin kung naging epektibo at efficient ang pagbibigay ng serbisyo ng mga SK officials sa kanilang mga barangay.

Kabilang sa areas ng assessment ang organizational effectiveness, development planning, financial administration, at leadership and innovation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *