Kumakalat na larawan ng isinagawang air drop mission sa BRP Sierra Madre, nilinaw ng AFP na kuha pa noong DEC 2021

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na kuha pa noong December 2021 ang mga kumakalat na larawan ng isinagawang air drop mission sa BRP Sierra Madre.

Ito ay bahagi ng kanilang kanilang Christmas mission.

Kasunod nito, umapela ang AFP asa publiko na ugaliing i-verify ang mga nakukuhang impormasyon sa social media at huwag basta-basta maniniwala, lalo na kung sa hindi mapagkakatiwalaang source.

Ang mga ganito hakbang ay makapagdudulot umano ng kalituhan sa publiko kaya’t dapat maging responsable ang lahat sa pagpapakalat ng impormasyon.

Tiniyak naman ng AFP na tanging ang mga tama, tunay at napapanahong impormasyon ang kanilang ibibigay sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *