Bigo ang European Union sa kanilang legal battle sa Brussels para mapuwersa ang Anglo-Swedish drug maker na AstraZeneca para mag-supply ng 120 million doses ng COVID-19 vaccine hanggang sa katapusan ng June.
Sa kabila nito, binigyan ng Judge sa Brussels ang AstraZeneca ng deadline para mag-suplay ng doses sa EU sa Summer o haharap sa malaking multa.
Matatandaan na umabot sa korte ang isyu matapos maantala ang shipment ng bakuna noong nakaraang buwan kung saan nag-commit ang AstraZeneca na magsusuplay ng 300-million doses.
Welcome naman sa EU at AstraZeneca ang desisyon ng korte.
Matatandaan na nangunguna ang AstraZeneca vaccines sa mga bakuna na nai-deploy na sa buong mundo kasunod ang Pfizer BioNTech at Moderna.