LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit isanlibong magsasaka sa tatlumpu’t isang mga barangay sa bayan ng Daraga ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Shiela Nas, ang City Agriculture Officer ng lokal na pamahalaan ng Legazpi, binigyan ng P5,000 ang mga magsasaka mula sa southern at northern barangays sa nasabing lungsod sa tulong nabanggit na tanggapan.
Aniya, sila ay nasa ikatlong batch na ng mga nabigyan ng cash assistance sa ilalim ng programa ng DA.
Layunin nito na matulungan ang mga magsasaka dahil sa nararanasan nila ang crisis at mga problema na kinakaharap tulad ng pagtaas ng abono, pagtaas din sa pagbabayad ng labor cost at iba pa.
Dahil sa programang ito ay magagamit ng mga benipisyaryo ang financial cash assistance bilang kasagutan din ng kanilang pangangailangan.