Espenido, binawi ang testimonya laban kay dating senadora Leila De Lima

Binawi na ni Police Lt. Col. Jovie Espenido ang lahat ng testimonya laban kay dating Senadora Leila De Lima kaugnay sa illegal drug trade.

Sa ikasiyam na pagdinig ng Quad Committee sa Kamara, inusisa ni Batangas Representative Gerville Luistro si Espenido ukol sa mga personalidad na nagdiin kay De Lima upang makasuhan.

Dito ay inamin ni Espenido na hindi niya kilala si Kerwin Espinosa bago pa ang pagdinig ng Senado noong 2016.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Hindi rin umano niya kilala ang driver-bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan at maging ang dating senador kaugnay sa pagkakasangkot sa kalakalan ng ilegal na droga bago ang Senate probe.

Bukod dito, itinanggi ng police official na siya ang nagpakilala kay Espinosa kay Dayan.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Kinumpirma naman ni Espenido ang testimonya ni Espinosa na inatasan silang mag-usap upang ayusin at gawing tugma ang mga salaysay na magdidiin kay De Lima na sangkot sa illegal drug trade.

Bago ang tuluyang pagbawi sa mga naunang testimonya, una nang humingi ng tawad si Espenido kay De Lima at iginiit na lalabas din ang katotohanan.