Apektado ang maraming bayan sa Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur sa nagpapatuloy na sama ng panahon na hatid ng Bagyong Kristine.
Bagaman nagpapatuloy pa ang validation ng mga Disaster Risk Reduction Management Officer ng mga bayan-bayan sa mga nabanggit na probinsya kung gaano karaming pamilya ang apektado
Halos lahat naman mga eskwelahan sa 36 na bayan ng Maguindanao ang nagsuspende ng klase sa eskwela ngayong araw.
Binabantayan rin ang pagtaas ng mga kailugan sa iba’t ibang bayan.
Samantala, isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang lutang sa bayan ng Parang sa Maguindanao Del Norte
Hindi pa batid kung ang kanyang kamatayan ay may kaugnayan sa Bagyo.
Habang ipinaabot din sa Brigada ang impormasyong isang one year old na baby ang nalunod sa bahagi ng Ampatuan Maguindanao del sur.