Itinanggi ng aktor at direktor na si Epy Quizon na may balak siyang pasukin ang mundo ng pulitika.
Inihayag ito ni Quizon matapos niyang ilunsad ang kaniyang advocacy platform na MagkaisaPH, na naglalayon na ayusin ang pagkawatak-watak ng mga tao sa Pilipinas, kabilang na sa social media.
Sinabi ni Quizon,“I will heed my dad’s legacy,”
Anya, sinabi noon ng kaniyang ama na si comedy king Dolphy na madali lang naman maging hari, ngunit ipinanganak siya bilang isang jester.

Mababatid na sinimulan ni Epy ang MagkaisaPH matapos itong kuhanin bilang peace advocate noong administrasyon ng yumaong dating pangulong Nonynoy Aquino.
Nilinaw rin ni Epy na hindi niya ginawa ang MagkaisaPH para kumita.
Isiniwalat ng aktor na minsan na siyang inalok ng P30-million ng isang political group para bilhin ang kanta niya para sa MagkaisaPH na pinamagatang “Lukso ng Dugo”.
Aminado si Epy na nabulag siya noong una, ngunit kalaunan ay tumanggi rin siya dahil napagtanto niya na pag-aari na rin ito ng mga artista na kaniyang nakasama sa kanta.