Binigyang-linaw ng Department of Science and Technology (DOST) ang ilang usapin sa inaasahang maagang epekto ng El Niño sa susunod na taon.
Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay DOST Sec. Dr. Renato Solidum, sinabi nito ang naranasang matinding init at kakulangan sa tubig ulan noong 1997-1998 ay muling mararansan sa 2024 ngunit hindi ang kaparehong epekto noon.
Dagdag pa ng kalihim, mid-year pa lamang ng 2023 ay nagsimula na ang El Niño habang sa bagong pagtaya ng ahenysa mapapaaga itong mararanasan sa 1st quater ng susunod na taon at pagdating ng Mayo at Hunyo ay hindi gaano dahil sa inaasahang mga pag-ulan.
Kung maalala, pinakikilos na ng maaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang iba’t ibang ahensya ng bansa para malimitahan ang lubhang epekto ng dry spells at drought na dulot ng El Niño na sinasabing buwan ng Abril pinakang mararamdaman ang tindi nito.