China – nagpaalala sa Pilipinas na magkaroon ng ‘proper management’ sa WPS

Nagkausap sa pamamagitan ng isang phone call sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at ang kaniyang counterpart sa China na si Wang Yi.

Inilarawan ni Manalo ang kanilang pag-uusap bilang ‘frank’ at ‘candid exchange’.

Natapos umano ang pag-usap nang mayroong malinaw na pagkakaunawaan sa iba’t ibang mga ‘respective positions’ ng magkabilang panig.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Pero – sa hiwalay na statement, sinabi ng Chinese Embassy sa Manila na inatasan daw ni Wang ang Pilipinas na umaksyon nang naaayon sa batas.

Sabi ng embassy, dapat daw ay i-practice ng Pilipinas ang ‘proper management’ sa mga usapin sa West Philippine Sea.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Dapat din umanong bumalik ang Pilipinas sa tamang direksyon.

Ito ay kahit na malinaw nang Pilipinas ang nanalo sa arbitral ruling na kumakampi sa ating claims sa naturang teritoryo.