Energy reserves sa Luzon Grid nananatiling manipis ayon sa NGCP

Wala nang nakataas na Yellow at Red Alert sa buong Luzon grid ngayong araw ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.

Sa kabila nito inihayag ni NGCP spokesperson Atty. Cynthia Perez-Alabanza na nanatili pa ring manipis ang power reserves sa Luzon ngayong araw.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sinabi din ni Alabanza na maaari pa rin silang magtaas ng alerto anumang oras kung magkakaroon ng problema o force power outage ang ilang mga planta na hindi naka-schedule para sa preventive maintenance.

Nilinaw naman ni Alabanza na hindi pa dumadating sa punto kailangan magkaroon ng rotational power interuptions dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Subalit may babala ang NGCP official na kung hindi kikilos ang pamahalaan posibleng maranasang muli ng bansa ang malakawang mga brownouts katulad ng nangyari noong dekada nobenta kung saan nagkaroon ng Power Crisis sa bansa.