Employment ng mga job order at contract of service, pinalawig pa ni Pangulong Marcos

Pinalawig pa ni Pangulong Bongbong Marcos hanggang taong 2025 ang serbisyo ng mga contract of service o COS at ng mga job order employee sa mga tanggapan ng pamahalaan na mag tatapos ang kontrata sa buwan ng Disyembre.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ginawa ng Pangulo ang desisyon sa naganap na sectoral meeting Department of Budget and Management, Department of Interior and Local Government, Civil Service Commission at Commission on Audit.

Inatasan rin ng Presidente ang mga ahensya ng gobyerno na paunlarin ang skills at capabilities ng mga JOs at COS upang pumasa sa Civil Service Examination.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Layon nitong makabuo ng pool of government workers na qualified para sa plantilla position ng gobyerno.