DICT, naaalarmang baka gamitin ang AI para mangmanipula ng botante sa eleksyon

Inaasahan na raw noon pa ng Department of Information anc Communications Technology (DICT) ang paglaganap ng artificial intelligence (AI) bago pa man lumabas ang isang video na naglalaman ng boses ni Pangulong Bongbong Marcos.

Mababatid na nito lamang ay nagbabala ang Presidential Communications Office sa publiko hinggil sa pekeng video content na gumagamit ng boses ng Pangulo.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay DICT Spokersperson at Asec. renato Paraiso, pinangangambahan nila ngayon na ang naturang gawain ay maaaring gamitin sa eleksyon upang magmanipula ng mga botante.

Posible rin daw kasing itong magamit laban o pabor sa isang kandidato.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Naniniwala si Paraiso na ang pinakamalakas na panlaban dito ay campaign drive lalo pa’t wala naman umanong batas na makatutugon sa issue.

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na mas kinatatakutan nilang mangyari na madamay na ang national security dahil sa pekeng content at boses dahil sa AI.