EMB 5 sa mga LGU: Temporary residual containment area, hanggang 1 year lang pwedeng gamitin

BICOL—Kinumpirma ni Environmental Mangement Bureau (EMB) Bicol – Solid Waste Management Division Officer Bombet Lita na ipinasara na nila lahat ng mga open at controlled dumpsites sa mga LGU sa rehiyon.

Ito ay salig na rin sa kautusan ni Undersecretary Benny Antiporda sa pagpasok ng 2021 na ipasara ang mga nasabing pasilidad na labag sa R.A 9003 o Ecological Solid waste Management Act.

Anya, nitong Marso nang maipasara ang nasa 44 na identified open at controlled dumpsites sa rehiyon sa tulong na rin ng mga Provincial environmental management units.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dahil dito, pinayagan muna ang mga apektadong LGU na gumamit ng temporary residual containment area bilang pansamantalang tapunan ng basura habang pinoproseso ang kanilang sanitary landfill.

Pero pinaalalahanan ni Lita ang mga LGU na hanggang isang taon lamang ang time frame na kanilang ibinigay sa mga ito para gamitin ang nasabing pasilidad.

Aminado naman ang opisyal na may mga naipapaabot sa kanilang report na may ilang LGU ang napipilitan pa ring magtambak paminsan-minsan ng kanilang mga basura sa mga ipinasarang open at controlled dumpsite bagamat hindi naman anya araw-araw.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aminado rin umano ang mga ito na hirap sila sa budget na kakailanganin para sa pagpapagawa ng sanitary landfill na maaaring abutin ng P65 million per hectare.

Kaugnay nito ay nagbigay na rin ng technical assistance ang EMB sa mga ito para sa assessment at validation ng mga napiling sites para sa gagawing sanitary landfill.### || SLM