CAMARINES NORTE – Inanunsiyo ng Comission on Elections na magko- convene sa Lunes, March 21, 2022 sa ganap na alas 9 ng umaga ang Election Registration Board (ERB).
Alinsunod ito sa serye ng Comelec Resolutions bilang bahagi ng paghahanda sa May 2022 elections.
Ito ay upang i- verify at ma- certify ang Election Day Computerized Voters List (EDCVL) at Posted Computerized Voters List (PCVL).
Kabilang sa mga inanyayahang dumalo maliban sa ERB ay ang mga magsisilbing Electoral Boards, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Political Parties at Independent Candidates.
Bukas din ito sa mga kinatawan ng civic/non- governmental organizations at iba pang stakeholders para masaksihan ang proceedings.
Gaganapin ito sa tanggapan ni Election Officer III Virgilio Veras.
Matatandaan na noon pang nakatalikod na mga araw ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Comelec sa naturang bayan para sa paparating na halalan.
Nagkaroon na rin ng Voters’ Education sa mga Barangay upang ipaalam sa publiko ang mga dapat at hindi dapat gawin sa halalan.
