Rabbies vaccination at massive information education campaign sa Albay, patuloy na isinasagawa ng mga LGUs ngayong rabies month

LEGAZPI CITY – Walang tigil ang pagsasagawa ng iba’t ibang mga lokal na pamahalaan ng rabbies vaccination at Massive Information Education Campaign (IEC) sa mga barangay sa lalawigan ng Albay upang mabawasan o mawala na ang naitatalang bilang ng mga nakakagat ng aso.

Ito ang inihayag ng Provincial Veterenarian ng Albay Provincial Veterenary Office na si Dr. Pancho Mella sa Brigada News Fm Legazpi.

Read More:  17-year-old student caught with suspected marijuana during school inspection in Bacolod

Ayon kay Mella, patuloy pa rin ang ginagawang pagbabakuna sa mga alagang aso at IEC sa mga barangay upang mabawan ang kaso ng rabies sa nasabing lalawigan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Aniya, narami na rin ang nakakaalam sa mga hakbang na dapat gawin kapag nakagat ng aso, kung saan agad nila itong dinadala sa animal bite treatment center.

Pumalo rin sa 36 ang mga nagpositibo sa rabies sa lalawigan noong 2021.