Election Registration Board hearing iniurong ng Comelec sa March 6

CAMARINES NORTE- Iniurong ng Commission on Elections sa March 6 ng taong kasalukuyan ang  Election Registration Board (ERB) hearing sa halip na sa February 20.

Sa impormasyon mula kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau ito ay dahil sa Memorandum mula sa Office of the Comelec Secretary patungkol sa resetting ng Pre- ERB Activities at ERB hearing.

Kasunod yan ng En Banc meeting ng komisyon noong February 8 kung saan napagkasunduan na ang Last day to Post Notice of Hearing with list of applicants ay sa February 20.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa February 27 naman ang Last day to File Opposition to Applications at sa March 6 ang hearing and approval/Disapproval of Applications.

Ang pag urong ng petsa ay dahil sa  Register Anywhere Project o RAP ng mga nagparehistro at nagpa–activate ng kanilang registration para makaboto sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.

Ito ay upang mabigyan pa ng sapat na panahon na isaayos ang records ng mga nagparehistro.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Dito sa Camarines Norte ay tatlong bayan lang ang nagpatupad ng RAP at ito ay ang Daet, Paracale at Vinzons.

Umaabot sa 10, 474 Cam Norteño ang nagparehistro sa katatapos lang na voters’ registration na nagsimula noong December 12, 2022 at nagtapos noong January 31, 2023.

Karagdagan ito sa  389, 545 na total registered voters as of August 1, 2022 Election Registration Board (ERB) hearing.