CAMARINES NORTE – Lumago ang ekonomiya ng Camarines Norte ng 6. 6 % noong 2022 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay ito sa presentation ng ahensiya sa Provincial Product Accounts for 2018- 2022 Dissemination forum na ginanap sa isang hotel dito sa bayan ng Daet kahapon, December 13.
Ayon sa PSA ang gross domestic product o GDP ng lalawigan ay tinatayang nasa P60. 20 billion noong 2022 na mas mataas sa P54. 46 billion na naitala naman noong 2021.
Patuloy umanong lumalago ang ekonomiya ng Camarines Norte na mula sa P53. 09 billion noong 2018 ay nagkaroon ng 8 % growth noong 2019.
Nagkaroon lang ito ng pagbaba ng 7.8 % noong 2020 sa kasagsagan ng COVID- 19 pandemic at nakabawi naman noong 2021 makaraang makapagtala ng 6. 9 % increase. Nalagpasan ng local GDP noong 2022 ang 2019 pre- pendemic level.
Sa major industries noong 2022 ang services ang nakapagtala ng pinakamabilis na growth rate sa 10. 5 %. Lumago rin ng 9. 9 % ang industry habang bumaba sa 6. 1 % ang agriculture, forestry at fishing.
Ang services ang may pinakamalaking share sa ekonomiya ng probinsiya sa tatlong major industries sa lalawigan na may 44. 4 % na sinusundan ng industry na may 36. 1 % habang ang agriculture, forestry and fishing ay may 19. 5 % share.
Ang top 3 highest growth rates by industry ay ang Transportation and storage na may 32. 3 %, accommodation and food service activities na may 18 % at construction na may 16 %.
Ang iba pang industriya sa lalawigan na nakapagtala ng double digit growth ay ang wholesale and retail, pagkumpuni sa mga sasakyan at motorsiklo, pagminina at quarry gayundin ang information and communication.
Ayon kay Danilo Luceña, Chief Statistical Specialist ng Statistical Operations and Coordination Division ng PSA Region V ang provincial product account ang ginagamit na kasangkapan para masukat ang economic performance ng lalawigan.
Nagpasalamat naman si Camarines Norte PSA Provincial Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao sa lahat ng stakeholders na naging bahagi para sa matagumpay na pagdaraos ng kauna- unahang provincial product accounts.
