Mga nominado sa Search for Huwarang Guro sa bayan ng Mercedes sumalang sa one-on-one interview

CAMARINES NORTE – Sumalang sa one-on-one interview ang nasa 25 guro na nominado sa 2023 Search for Huwarang Guro sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ang nominees ay nagmula sa iba’t- ibang paaralan ng Mercedes District.

Ang pagagawad ng parangal sa mga Huwarang Guro at Namumuno ng mga Paaralan sa Mercedes District ay alinsunod sa Municipal Ordinance No 440- 2023 at Local School Board Resolusyon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Bukas ito sa mga Guro sa Elementarya at Sekondarya, School Leaders, School Head ,  Master Teacher at Principals.

Mayroong iba’t- ibang kategorya para sa School Teachers, Master Teachers, department Heads at ALS teachers.

Layon nito na parangalan at kilalanin ang outstanding educators at school teachers sa Mercedes District na nagpamalas ng kanilang dedikasyon sa trabaho at nag iwan ng malaking impact sa buhay ng mga estudyante at komunidad.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sina  dating Schools Division Superintendent Arnulfo Balane, Ms.  Amy B. Dumail at Mr. Darcy Guy Mañebo kapwa Education Supervisors ng Department of Education ang mga interviewer.

Ayon sa Municipal Information Office, gagawina ng Gabi ng Parangal sa Disyembre 16, 2023 sa ganap na ika- anim ng gabi sa Jimmy P. Lo Sports Complex.