Hiling na executive session ni Guo – papayagan, pero…

Pabor si Senator Joseph Vitor “JV” Ejercito sa apela ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magkaroon ng executive session hinggil sa higit pang impormasyon sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Ejercito, naniniwala siya na maaaring magbunyag si Guo ukol sa mga iligal na POGO at kung sino ang mga nasa likod nito.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Aniya, ibigay na sa alkalde ang kahiligan na ito para maituro na talaga ang mga big bosses sa naturang isyu.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Giit pa ni Sen. Ejercito, mas magandang malaman na rin kung sino ang tumulong sa kanya para makapasok sa pulitika ng Pilipinas.

Samantala, ilang mga Senador naman ang hindi sang-ayon sa executive session request ni Alice Guo.