EJ Obiena, puspusan sa training para sa Paris Olympics

Puspusan ang paghahanda ng world No. 2 pole vaulter na si EJ Obiena para sa Paris Olympics.

Matapos niyang makamit ang panalo sa SEA Games, Asian Games, at silver placement sa World Championships, ginto naman ang kanyang goals sa Paris ngayong 2024.

Bumalik si Obiena sa Europe at nagsasanay sa nakalipas na 4 na buwan.

Nagsimula si Obiena ng off-season training sa Spain, at inilipat niya ang kanyang kampo ng pagsasanay mula Formia patungo sa Padua, na parehong nasa Italya, upang maghanda para sa indoor season.

Inaasahan naman ang kanyang unang kompetisyon sa Pebrero sa Europa.