Nasungkit ni Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang kanyang ikalawang gintong medalya sa 2023 season nang manguna siya sa Orlen Cup sa Atlas Arena sa Lodz, Poland.
Ang 27-taong-gulang ay nag-clear ng 5.77-meters para pamunuan ang 11-man field sa bronze level event ng World Athletics Continental Tour.

Sa Instagram, sinabi ni Obiena na siya ay masaya na makuha ang gintong medalya.
Si Obiena ay pumangatlo sa Sweden meet na nag-clear ng 5.91-m upang itugma ang national record na itinakda niya noong nakaraang taon.
Matatandaang noong nakaraang January 27, nasungkit niya ang kanyang unang ginto sa season nang mag-clear ng 5.82-m sa France.
Si Obiena ay babalik sa aksyon sa Copernicus Cup sa February 8.//CA