22 katao patay sa wildfires sa Chile

Hindi bababa sa 22 katao ang namatay sa wildfires dahil sa heat wave sa south central Chile.

Nasa 554 katao naman ang nasugatan kung saan 16 sa kanilang seriously injured.

Pinalawig na ni Pangulong Gabriel Boric ang state disater upang isama ang southern region of Araucania. Ang mga rehiyon ng Nuble at Biobio ay nauna ng naisailalim sa state disaster.

Ang hakbang ay nagpapahintulot kay Boric namag mobilize ng militar upang tumulong sa pag apula ng apoy habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi.

Samantala, nag-alok na ng tulong sa Chile ang bansa Brazil, Uruguay, Mexico at Spain.//CA