PH team nag-uwi ng gold at silver sa FIDE PWD Chess Olympiad

Nanguna sa Board 4 si National Master Darry Bernardo at pumangalawa si FIDE Master Sander Severino sa Board 1 sa kauna-unahang FIDE Chess Olympiad para sa people with disabilities na ginawa sa Belgrade, Serbia.

Ang golden effort ni Bernardo at ang silver medal ni Severino ang nagtulak sa Team Philippines na maging overall third matapos i-outscoring ang tatlong iba pang bansa na India, host Serbia at Uzbekistas na nakakolekta din ng walong match points.

Ang Poland ay ang runaway champion sa event.

Ang iba pang miyembro ng bronze-performing Philippine squad ay sina National Masters James Infiesto, Henry Roger Lopez at Cheyzer Mendoza.//CA