Nakakuha na naman ang pole vaulter na si Ernest John Obiena ng isa pang gold medal sa loob lang ng limang araw, pero sa pagkakataong ito ay sa True Athletes Classic 2022 sa Leverkusen, Germany.
Ang world’s No. 3 vaulter ay nalampasan ang 5.81 meters sa kanyang second attempt.

Sina Rutgar Koppelaar ng Netherlands at Kurtis Marschall ng Australia ay parehong na-clear ang 5.81 sa kanilang second try, pero pareho din nilang kailangan na malampasan ang nakaraang vaults sa lower height ng isa pang beses.
Matapos nito, itinaas ni EJ ang bar sa 5.95m sa tangka ma makabuo ng bagaong personal best, pero bigo ang Asian record-holder.