Pinangunahan ni Jordan Clarkson ang big night para sa Gilas Pilipinas, para mailampaso ang Saudi Arabia sa 84-46, para sa kanilang fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena.
Si Clarkson ay nagtala ng kabuoang 23 points, kung saan 17 points dito ay naitala sa unang kalahati pa lamang, at nanguna sa offensive para sa national squad.
Maliban dito, nagbigay rin ito ng limang rebounds at team-high six assists.
Samantala, si Kai Sotto nagbigay ng double-double na 16 points at 13 rebounds kamasa ang apat na blocks para manalo.
Dahil dito, tiniyak na ang pwesto ng Gilas sa World Cup bilang ang mga hosts, ay maglalaro sa susunod na window sa Nobyembre.
