Nagwagi ng panibagong gold medal ang Pole vaulter na si EJ Obiena bago ang kaniyang nakatakdang pagsali sa Tokyo Olympics ngayong buwan.
Nanguna si Obiena sa Taby Stav Gala Streeet Pole Vault sa Stockholm, Sweden matapos nitong ma-clear ang 5.80-meter mark.
Kabilang sa mga tinalo ni Obiena ay angf 2016 Olympices gold medalist Thiago Braz ng Brazil na pumoste rin ng 5.80 meters.

Matatandaan noong June 28 ay parehong nakakuha sina Obiena at Braz ng gold medal sa German tilt.
Mababatid na nangyari ito matapos mairehistro ni Obiena ang bagong Philippine record sa isang Poland tournament kung saan ay nakakuha ito ng silver matapos niyang ma-clear ang 5.87-mark.
Kabilang si Obiena sa 19 na atletang Pinoy ang sasali sa Tokyo Olympics, na magsisimula ngayong buwan.