VP Leni, dismayado sa P6.49-billion na pondo na hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 2

Inihayag ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang pagkadismaya na nasa bilyon-bilyong piso na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang hindi nagamit bago napaso ang naturang batas noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Robredo na dapat ay sinubukan ng gobyerno na gamitin ang lahat ng pondo ng Bayanihan 2 para palakasin ang pandemic response ng gobyerno.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Iginiit ng Bise Presidente na sobrang nasasayangan ito sa perang naiwan sa ilalim ng Bayanihan 2 dahil pwede sana ito makatulong sa mga magsasaka, mga manggagawa, at health workers.

Ipinunto naman ni Robredo na kung nabigay lang sa kanya ang ganito kalaking pondo ay nagamit niya sana ito para ma-boost ang testing capacity ng bansa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Matatandaan na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 o Republic Act 11494 nitong Setyembre, 2020.

Kung maalala ay nag-expire ang Bayanihan 2 noong June 30.