EDC, host sa 3-araw na Phil. Biodiversity Symposium; mahigit 450 Biodiversity Conservation experts, dumalo

Nagsilbing host ang Energy Development Corp (EDC) sa 31st Annual Philippine Biodiversity Symposium na dinaluhan ng mahigit 450 na biodiversity conservation experts.

Sa panayam ng Brigada News sa presidente ng  Biodiversity Conservation Society of the Phils (BCSP) at head ng EDC Corporate Relations Dept na si Maria Nancy Ibuna, sinabi nito na magiging focus ng nasabing pagtitipon ang mga priority conservations actions ng ibat-ibang biodiversity conservation organizations mula sa ibat-ibang government agencies, NGOs at academe. Kabilang ang hakbang ng mga ito sa kanilang mga natukoy na mga priority areas sa ilalim ng Phil. Biodiversity Conservation Project noong 2000.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon pa kay Ibuna, mayroong 170 terrestrial priority areas silang natukoy sa buong bansa at 36 sa marine priority areas sa ilalim ng Phil. Biodiversity Conservation Priorities Projects at 128 terrestrial priority areas sa Key Biodiversity Areas projects kabilang ang ilang bahagi ng Bicol Region.

Anya ang pag revisit sa mga intiatives ng mga grupo sa Phil. Biodiversity Conservation Priorities Projects at 2006 Key Biodiversity Areas projects ay ang pagkakaroon ng consolidated assessments at actions upang ma-address ang mga kailangan pang gawin sa pangangalaga sa kapaligiran at yaman nito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Umaasa naman si Ibuna na magiging katuwang nila ang mga mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang tatlong araw na symposium ay isinagawa sa Sorsogon State University (SSU) sa lungsod ng Sorsogon.