Inilunsad ng Protected Area Management Boards (PAMB) for Bangan Hill Natural Park (BHNP) at Dupax Watershed Forest Reserve (DWFR) ang ecotourism facilities na katatapos lang ang rehabilitasyon sa Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ni DENR Assistant Secretary Nonita Caguioa, Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan, local chief executives, at iba pang miyembro ng PAMB ang inagurasyon nito.
Ayon sa DENR RFO2, nagkaroon ng rehabilitasyon sa mga access road, parking space, gate, guardhouse, water system at riprap landscape sa dalawang protected area sa probinsya.
Inayos rin ang view deck at kiosk ng BHNP habang kasalukuyan naman ang konstruksyon ng mga overflow bridges.
Hinikayat naman ni RED Bambalan ang mga namamahala sa PA na magsagawa ng Orient sa mga turista bago libutin ang lugar.