Tinatayang 900 board feet na mga Ipil, nasabat sa Roxas Palawan

Nasabat ng Bantay Gubat sa Roxas Palawan sa pangunguna Department Head Bong Libiran ang nasa 961 board feet na mga IPIL  na kahoy sa masukal na bahagi ng Sitio Buayan Bgy. New Cuyo Roxas Palawan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nadiskobre ang mga kahoy ganap na 2:49 ng hapon nitongg Biyernes March 25, 2022 pero wala pang maituro ngayon na totoong may-ari nito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nagsagawa ng imbentaryo ang awtoridad at umabot sa 33 piraso ang nadiskobreng Ipil.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Bantay Gubat ang mga Ipil at iniimbestigahan.