DILG Isabela, hinikayat ang mga lgu na buksan muli ang kanilang botika ng bayan

Hinikayat ng Department of Interior and Local Government Isabela ang mga Local Government Unit sa Lalawigan na buhaying muli ang kanilang botika ng bayan.

Ito ay matapos ang isinagawang committee hearing ng Sangguniang Panlalawigan ukol sa iminungkahing ordinansa na ma-regulate ang dispensing, selling at reselling ng pharmaceutical products sa mga tindahan.

Magugunitang naglabas ng Memorandum Circular No. 2022-025 ang DILG matapos ang nakakabahalang mga ulat na natatanggap ng FDA ukol sa pagbebenta ng pekeng gamot sa mga sari-sari store.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Unang inihayag ni SP Member Randolph Arreola na napipilitang bumili ang publiko ng gamot sa mga sari-sari store sa dahil sa kakulangan ng access sa Over-the-Counter (OTC) at Pharmacist-only medicines n amula sa mga otorisadong drug stores.

Binanggit naman ni Provincial Department of Health (DOH) Officer, Dr. Elsie Pintucan na mula sa 37 na LGU sa probinsya ay lima lamang ang bukas ang kanilang Botika ng Bayan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dahil dito ay hinikayat ni DILG Isabela Director Corazon Toribio ang mga LGU na panahon na upang buhayin  at palakasin ang kanilang mga Botika ng Bayan.

Buo naman ang suporta ng Chairman at mga miyembro ng Committee on Health sa implementasyon ng DILG memorandum kung saan nagkaroon na ng proposal para sa gagamiting budget sap ag-hire ng mga permanent pharmacist na itatalaga sa mga Botika ng Bayan ng mga LGU.