ISANG lalaki sa U.K na nagngangalang Wallace Lee, ang limang taon nang iniinda ang pagkabingi at pagkawala ng kanyang pandinig.
Bilang isang royal navy veteran, kanyang napag suspetsahan na ang pag ta-trabaho niya malapit sa mga helicopter ang sanhi ng kanyang pagkabingi.
Bago ito, kanyang naaalala na limang taon rin ang nakakaraan ay kinailangan niyang magsuot ng earplugs nang minsang bumiyahe sakay ng eroplano patungong Australia.
Nang siya ay magpa konsulta sa EENT Doctor, dito na napag-alaman na isang earplug ang pumasok at bumara sakanyang tenga na dahilan ng kanyang pagkabingi.
Sa kabutihang palad, matagumpay naman itong natanggal ng espeyalista at matapos ang simpleng operasyon ay muli nang nanumbalik ang kanyang pandinig.### JDR