Reklamo ng port users sa mahabang pila sa Matnog Port, nabawasan sa ‘One-Stop Shop’

Nabawasan na umano ang mga reklamo sa mahabang pila sa pantalan ng Matnog mula ng inilunsad ang ‘One-Stop Shop o OSS, ayon ito sa pahayag ng Port Manager ng Port Management Office-Bicol na si Ma. Magnolia Sinson-Requejo.

Ayon sa opisyal, napadali at naisaayos na ang booking ng mga pasahero, turista at mga biyahero sa nasabing pantalan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa pamamagitan kasi ng OSS, nasa isang lugar na lamang o tanggapan sa pantalan ang mga processing offices katulad ng operator ng barko at iba pang ahensya kaya hindi na kailangan na magpabalik-balik ang mga port users. Bumilis ang proseso mula booking hanggang sa payment.

Nagpapatuloy pa ang mga pagpupulong ng pamunuan ng Phil Ports Authority (PPA) at mga pinuno ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pamumuno ni Gov Edwin Hamor, VG Junjun Escudero, 2D Congressman Wowo Fortes at iba pang opisyal ng pamahalaang lokal.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pagtitiyak naman ng PPA General Manager na si Jay Santiago, may mga nakalatag na na mga proyekto ang PPA at ang pamahalaang lokal ng lalawigan.