Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ng ayuda sa mga nag-aalaga ng baboy na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Irosin.
Ang bayad-pinsala na umabot sa P2.1M ay ipinamahagi sa 33 mga backyard hog raisers mula sa Brgy Bolos at Bulawan.
Nakatanggap ng P5K ang mga nag-aalaga ng baboy na naapektuhan ng ASF.
Nanawagan naman ang gobernador ng lalawigan sa mga nakatanggap ng ayuda na gamitin ng maayos ang nasabing halaga para makabangon agad sa epekto ng ASF.
Kung babalikan, Nobyembre 4 ng kasalukuyang taon nang makapasok sa bayan ng Irosin ang ASF, kung saan nasa 164 na mga baboy sa Barangay Bolos ang pinatay sa pamamagitan ng electric stunning.
