Early planting, inerekomenda ng MAO, San Jose kaugnay ng inaasagang El Niño Phenomenon

NAGA CITY – Inaasahang na ang El Niño Phenomenon sa Pilipinas ngayong buwan ng Hulyo 2023, kung saan ilang area na rin ng bansa lalo na sa Bicol Region maging sa Camarines Sur ang minimal o kulang na ang pagbagsak ng ulan, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Camarines Sur.

Kaya naman bilang paghahanda, inerekomenda ng San Jose  Camarines Sur Municipal Agriculture Office Head  Grace Santilices, sa kanilang mga magsasaka na mag-early planting habang maaari pa, tiyak naman na makakasurvive ang mga pananim na palay o corn lalo na nasa 2,000 higit rin ang mga rice area irrigated sa kanilang bayan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, muling binigyan diin ng opisyal ang kahalagahan na naka-ensured dapat ang mga pananim sa Registry System For Basic Sectors In Agriculture o RSBSA upang madaling makahingi ng tulong sa Department of Agriculture lalo na ngayong pabago-bago na ang panahon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Katunayan nitong mga nakaraang araw 19 mga magsasaka na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo ang nakatanggap ng tulong.

Sa ngayon nasa mahigit 1, 800 mga magsasaka na sa  San Jose ang rehistrado at naka-ensured ang mga pananim. Tuloy naman ang panghihikayat ng opisina sa mga hindi pa nakapagparehistro.