6-anyos na bata, kinuha umano ng aswang sa Buhi, Camarines Sur; imbestigasyon ng PNP tinapos na

CAMARINES SUR-  “Hindi na sumasayad sa lupa”, ito ang salaysay sa Brigada News FM Naga ng ina ng anim na taong gulang na bata na kinuha umano ng asawang sa Buhi, Camarines Sur.

Ayon kay Nanay “Eden” bandang alas- 10 ng gabi nitong Hunyo 17, 2023 nang magpalaam ang bata na tatae, natagalan kaya hinanap na , nakita na lamang na hindi na sumasayad ang paa sa lupa. Sinundan ng ina pero biglang nawala ang bata.  Kinaumagahan nagtulong-tulong na ang mga residente at nakuha sa may sagingan sa Barangay San Ramon mula sa boundary ng Santiago at San Ramon. Basa at may butas ang damit.  Hindi naman naipaliwanag ng husto kung paano nakaligtas ang bata.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Samantala ang Buhi Municipal Police Station, tinuldukan na ang imbestigasyon. Ayon kay PSSGT Freddie Brazil, tagapagsalita ng PNP Buhi base sa kanilang imbestigasyon hindi nila masasabing aswang nga ang kumuha. Una, madilim aniya, wala namang nakakita kung aswang; pangalawa wala naman matinding sugat ang bata noong suriin at wala rin aniya silang nakausap nagsasabing may aswang sa lugar. Walang kuryente roon, wala ring kapitbahay.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Gayunpaman, pinag-iingat ng PNP ang mga nasa liblib na lugar sa mga mababangis na hayop at iba pang panganib.

Ayon naman kay “Esting” isa sa mga residente na sumama rin sa paghahanap at nakausap ang bata, marami talagang hindi naniniwala pero sana aniya ay hindi na ito mangyari sa iba.