E-warrant system ng PNP malaking tulong sa CSWDO

NAGA CITY – Ilang mga suspect sa child abuse sa Naga City ang nahuhuli pa rin at bumabagsak sa kulungan kahit na ilang taong magtago ang mga ito sa batas. Iyan ay sa tulong ng e-warrant system ng Philippine National Police.

Epektibo ang pagpatupad ng e-warrant ng pulisya dahil sa nahuhuli pa rin ang mga wanted ng batas, kahit saan sila magtao.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Eden San Andres, social worker ng City Social and Welfare and Development Office na siya namang in-charge sa children’s welfare, lalo na sa mga biktima ng pang aabusong sekswal.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inihalimbawa niya ang isang padre de pamilya o ama na may kasong sexual abuse sa lungsod na nagtago sa ibang lugar na nahuli at ibinalik sa kanila matapos na kumuha ng police clearance.

Sa ngayon ang pinakabatang biktima ng pang-aabuso sekswal sa lungsod ay walong taong gulang na batang babae.