Lebel ng tubig sa Camaligan River Park, patuloy na minomonitor

CAMARINES SUR- Nananatiling kalmado at normal ang lebel ng tubig sa  Camaligan River Park kahit na may paminsan-minsang malalakas na ulan sa lugar dala ng Shearline.

Sa naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Graciano Cañeba, Coast Guard Senior Chief Pitty Officer ng Philippine Coast Guard Camaligan Sub Station, pinapayagan pa naman nila ang mga maliliit na bangka na bumiyahe sa ilog dahil hindi naman kalayuan ang lokasyon na hinahatiran ng mga pasahero. Sa kabila ng pagiging kalmado ng ilog, nakahanda naman sila sakaling biglang tumaas ang lebel nito.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan
Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Katuwang din ng PCG ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Camaligan sa pagbabantay at pagreresponde sakaling may mangyaring pagbaha sa lugar.