Plano ng Department of Tourism na maglungsad ng kauna-unahang electronic visa system para sa mga turistang mula sa China at India.
Ayon sa ahensiya, sa pamamagitan ng e-visa system mapapabilis ang application process sa mga turistang galing sa China at India na gustong bumisita sa Pilipinas.
Ang mga Chinese ang unang mabebenipisyuhan ng e-visa system habang ang mga turista mula sa India ay sa katapusan pa ng taon magagamit ang E-visa.
Maaaring ng ma-access ang E-visa system sa website ng Department of Foreign Affairs at maaring magbayad ng visa fee sa pamamagitan ng credit card o debit card.
