E-market place ng DBM, aprubado na ni Pangulong Marcos

Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang isinusulong ng Department of Budget o DBM na e-marketplace procurement process sa ilalim ng Philippine Government Electronic Procurement System o Philgeps.

Ang e-Marketplace ay kabilang sa ipinapanukalang amendments sa RA 9184 o Government Procurement Act.

Sa paggamit ng e-Marketplace, inaasahang mas mapapaikli ang proseso ng procurement, kumpara sa dating proseso na tumatagal ng 26-136days.

Inaasahan din na makakatipid dito ang gobyerno ng 8-15% kumpara sa tradisyunal na procurement process.

Una munang gagamitin ang e-Marketplace sa mga vehicle procurement ng pamahalaan, at nakatakda itong ilunsad sa katapusan ng Hulyo ng kasalukuyang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *