Buwan ng Hulyo, idineklara ni Pangulong Marcos bilang Philippine Agriculturists’ Month

Idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang buwan ng Hulyo bilang Philippine Agriculturists’ Month.

Sa bisa ito ng Proclamation 544 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong May 10.

Layon nitong parangalan at kilalanin ang pagsusumikap at dedikasyon ng mga magsasaka, at palawakin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pagpapahusay ng agricultural productivity at competitiveness sa buong bansa.

Nakasaad sa naturang proklamasyon na inaatasan ang Manila School of Agriculture na magbigay ng theoretical at practical education sa mga skilled farmers at overseer, at itaguyod ang kaunlarang pang-agrikultura sa Pilipinas sa pamamagitan ng obserbasyon, eksperimento, at imbestigasyon tungo sa mas malalim na kamalayan at pag-unawa sa agrikultura ng Pilipinas.

Sa ganitong paraan, mabibigyang-daan ang agrikultura upang maging isang pormal na educational course sa Pilipinas.

Ang Department of Agriculture at ang Professional Regulation Commission gayundin ang Board of Agriculture ay inaatasan na manguna, mag-coordinate, at mangasiwa sa pagdiriwang ng Philippine Agriculturists’ Month at tukuyin ang mga programa, aktibidad, at proyekto para sa taunang selebrasyon.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na magbigay ng kinakailangang suporta at tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *